Ayon sa ulat ngayong araw, Biyernes, ika-8 ng Hulyo 2016, ng Misyon ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), pormal nang nagkabisa noong unang araw ng buwang ito ang protokol hinggil sa upgraded version ng China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA).
Nilagdaan noong Nobyembre 2015 ng Tsina at ASEAN ang naturang protokol. Ang upgraded version ng CAFTA ay magpapasulong sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at ASEAN sa bagong antas, at magbibigay ng bagong sigla sa pag-unlad ng kabuhayan ng kapwa panig. Sa pamamagitan nito, may pag-asang aabot sa 1 trilyong Dolyares sa taong 2020 ang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN, at lalaki naman ng 150 bilyong Dolyares ang halaga ng bilateral na pamumuhunan.
Ang upgraded version ng CAFTA ay ibayo pang magpapabilis din ng integrasyong pangkabuhayan sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai