Ipinalabas kahapon, Sabado, ika-9 ng Hulyo 2016, ng Ministring Panlabas ng Kambodya ang pahayag, kung saan inulit ang hindi pagkatig ng bansang ito sa pagpapalabas ng desisyon ng Arbitral Tribunal hinggil sa arbitrasyon sa South China Sea.
Ayon sa pahayag, ipinalalagay ng Kambodya na ang kahilingan ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal ay para lutasin ang hidwaan sa pagitan ng bansang ito at Tsina, at ang prosidyur na ito ay walang kinalaman sa lahat ng mga kasaping bansa ng ASEAN.
Dagdag pa ng pahayag, hindi lalahok ang Kambodya sa pagpapahayag ng anumang komong paninindigan hinggil sa resulta ng naturang arbitrasyon.
Salin: Liu Kai