Tinukoy kamakalawa, Biyernes, ika-8 ng Hulyo 2016, sa Davao, ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, na ang kasalukuyang madugong sagupaan sa Iraq at iba pang bansa sa Gitnang Silangan, at hamon ng teroristikong pang-aatake sa Amerika ay pinag-uugatan sa patakaran ng pakikialam ng Amerika.
Winika ito ni Duterte sa selebrasyon sa Davao para sa pagtapos ng Ramadan. Sinabi niyang winasak ng Amerika ang Gitnang Silangan. Aniya, tingnan kung anu-ano ang nagaganap sa Iraq, Libya, at Syria, at pinupuksa ang mga sibilyan na kinabibilangan ng mga bata.
Salin: Liu Kai