|
||||||||
|
||
Sinabi ni Degan, na kinakatigan niya ang paggamit ng arbitrasyon para sa mga isyu sa daigdig. Pero aniya, pagdating sa napakasalimuot na hidwaan sa South China Sea, ang arbitral tribunal ay hindi angkop para sa paglutas ng isyung ito.
Sinabi rin ni Degan, na hindi dapat magsagawa ang isang soberanong bansa ng aksyong pambatas sa isa pang soberanong bansa, kung walang mutuwal na pagsang-ayon. Dagdag niya, may karapatan ang Tsina na hindi lumahok sa arbitrasyon at hindi tanggapin ang resulta nito. Marami ang ganitong kaso sa pandaigdig na relasyon, ani Degan.
Samantala, sinabi naman kamakailan ni Ante Simonic, dating Embahador ng Croatia sa Tsina, na ang kasalukuyang tensyon at masalimuot na situwasyon sa South China Sea ay magsisilbing banta, hindi lamang sa katiwasayan ng karagatang ito bilang mahalagang maritime corridor, kundi rin sa kapayapaan at kasaganaan ng rehiyong ito at buong daigdig.
Ipinalalagay ni Simonic, na sa isyung ito, dapat magkaroon ang iba't ibang panig ng matalino, responsable, at matiyagang atityud, para makita ang isang makatwiran at pangmatagalang solusyon.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |