|
||||||||
|
||
Sinabi ni Petrovsky, na nagkakaroon ang Tsina at mga bansang ASEAN ng malaking komong interes, halimbawa sa kabuhayan at kalakalan. Aniya, kung lilitaw ang tensyon o kaguluhan sa South China Sea, aapektuhan hindi lamang ang katatagan at kaunlaran ng Asya-Pasipiko, kundi rin ang kalagayan ng pulitika at kabuhayan ng buong daigdig.
Ipinalalagay ni Petrovsky, na matalino ang hindi pagtanggap at hindi paglahok ng Tsina sa arbitrasyong unilateral na iniharap ng Pilipinas. Aniya, may batayan sa pandaigdig na batas ang paninindigang ito ng Tsina.
Dagdag pa ni Petrovsky, hindi dapat isadaigdig ang isyu ng South China Sea. Dapat aniya lutasin ng mga may direktang kinalamang panig ang hidwaan, sa pamamagitan ng negosyasyon.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |