Ipinahayag kamakailan ni Xu Liping, dalubhasa ng Chinese Academy of Social Sciences na sinasamantala ng Amerika ang isyu ng South China Sea para pasulungin ang estratehiyang rebalancing sa Asya-Pasipiko. Idinagdag pa niyang pinapainit ng Amerika ang nasabing isyu para pilitin ang mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kumiling sa Amerika, sa di-umano'y dahilang panseguridad. Makakapinsala aniya ito sa kabuuang interes ng Komunidad na Panseguridad ng ASEAN.
Ipinagdiinan din ni Xu na pinatunayan ng kasaysayan at alam ng mga bansang ASEAN na hindi nanalakay ang Tsina sa nasabing mga bansa, at hindi rin ito nananalakay o mananalakay.
Salin: Jade
Pulido: Rhio