|
||||||||
|
||
SHANGHAI, Hulyo 10, 2016--Ipininid ang Pulong ng mga Ministro ng Kalakalan ng G20 sa 2016. Ipinahayag ni Gao Hucheng, Tagapangulo ng Pulong at Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa nasabing pagtitipon, ipinalabas ang unang pahayag ng mga ministro ng kalakalan sa kasaysayan ng G20, inaprobahan ang tatlong dokumento, narating ang dalawang komong palagay, at natamo ang mga historikal na bunga.
Aniya pa, sumang-ayon ang mga kalahok, na isasagawa ang mas maraming aksyon para maisakatuparan ang komong target ng paglaki, katatagan at kasaganaang pandaigdig sa kabuhayan.
Ang kalakalan at pamumuhunan ay dapat maging pangunahing engine ng paglaki at pag-unlad ng kabuhayan, at ito ay makakabuti sa paghahanap-buhay, inobasyon, paglaki ng kapakanan, at inclusive growth, dagdag ni Gao.
Sinabi niyang, maliwanag na ipinahayag ng pulong ang pagtutol sa trade protectionism, at hindi pagsasagawa ng bagong hakbanging magpapasalimuot sa isyung ito hanggang 2018.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |