|
||||||||
|
||
Si Yang Yujun, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina
Inulit ngayong araw, Martes, ika-12 ng Hulyo 2016, ni Tagapagsalita Yang Yujun ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na konsistente at maliwanag ang paninindigan ng kanyang bansa sa South China Sea arbitration. Aniya, kahit ano ang resulta, hindi ito makakaapekto sa soberanya at mga karapatan ng Tsina sa naturang karagatan.
Kaugnay ng kasalukuyang pagsasanay militar ng hukbong pandagat ng Tsina sa South China Sea, sinabi ni Yang, na ito ay regular na pagsasanay, batay sa taunang plano ng hukbong pandagat.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |