Ipinahayag ngayong araw, Martes, ika-12 ng Hulyo 2016, ng Tsina, na ilegal at walang-bisa ang final award na ipinalabas ng Arbitral Tribunal hinggil sa South China Sea arbitration na unilateral na iniharap ng dating pamahalaan ni Pangulong Beningo Aquino III ng Pilipinas. Inulit ng Tsina ang di-pagtanggap at di-pagkilala dito.
Dagdag pa ng panig Tsino, labag sa pandaigdig na batas ang unilateral na pagharap ng dating pamahalaang Pilipino ng arbitrasyon, at walang hurisdiksyon sa kasong ito ang Arbitral Tribunal.
Salin: Liu Kai