Ginawa ngayong araw, Martes, ika-12 ng Hulyo 2016, ng pamahalaang Tsino ang subok-operasyon sa mga bagong naitayong paliparan sa Meiji Reef at Zhubi Reef sa Nansha Islands sa South China Sea.
Ang ginamit na eroplano para sa subok-operasyon ay isang Cessna 680 plane.
Batay sa resulta ng subok-operasyon, kaya ng naturang dalawang bagong paliparan na bigyang-serbisyo ang mga eroplanong pansibilyan. Ang mga ito ay inaasahang magkakaloob ng ginhawa sa transportasyon ng mga tauhan, pangkagipitang tulong, at saklolong medikal sa Nansha Islands. Ang dalawang paliparang ito ay puwedeng maging panghaliling paliparan para sa mga eroplanong daraan sa himpapawid ng South China Sea.
Salin: Liu Kai