Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministrong Panlabas ng Tsina, inulit ang di-pagtanggap at di-pagkilala sa resulta ng arbitrasyon

(GMT+08:00) 2016-07-12 20:37:38       CRI
Pagkaraang ilabas ng Arbitral Tribunal ang final award hinggil sa South China Sea arbitration, inilahad ngayong araw, Martes, ika-12 ng Hulyo 2016, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, ang paninindigan ng kanyang bansa sa isyung ito.

Sinabi ni Wang, na ang naturang arbitral tribunal ay binuo batay sa kahilingang unilateral na iniharap ng pamahalaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas, at tangka nitong pinsalain ang soberanya sa teritoryo at mga karapatan at kapakanang pandagat ng Tsina sa South China Sea. Aniya, maraming beses na ipinahayag ng panig Tsino ang hindi pagtanggap at hindi pagkilala sa naturang arbitrasyon at resulta nito.

Ayon kay Wang, ang paninindigan ng Tsina ay una, ang esensya ng South China Sea arbitration ay isang "political farce" sa pangangatwiran ng batas. Ika-2, ang hindi pagtanggap at hindi paglahok ng Tsina sa arbitrasyon ay batay sa prinsipyo ng "rule of law," at mga tuntuning panrehiyon. Ika-3, matibay ang batayang pambatas at pangkasaysayan hinggil sa soberanya sa teritoryo at mga karapatan at kapakanang pandagat ng Tsina sa South China Sea, at hindi ito maaapektuhan ng resulta ng arbitrasyon. At ika-4, patuloy na magsisikap ang Tsina para mapayapang lutasin ang hidwaan sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Sinabi ni Wang, na patuloy na hahanapin ng Tsina ang mapayapang solusyon sa hidwaan sa South China Sea, batay sa pandaigdig na batas, at sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian ng mga panig na may direktang kinalaman sa isyu. Patuloy rin aniyang pangangalagaan ng Tsina ang kalayaan sa nabigasyon at abiyasyon ng iba't ibang bansa, alinsunod sa batas. Dagdag niya, igigiit ng Tsina ang pagpapatupad ng Declaration On the Conduct of Parties in the South China Sea, at batay dito, pasusulungin ang pagsasanggunian hinggil sa pagtatakda ng Code of Conduct in the South China Sea.

Sinabi ni Wang, na dahil sa naturang arbitrasyon, lumala ang tensyon at komprontasyon sa South China Sea. Ito aniya ay hindi makakabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, at hindi rin angkop sa komong interes ng Tsina at Pilipinas, ibang mga bansa sa rehiyong ito, at buong komunidad ng daigdig.

Dagdag ni Wang, napapansin ng Tsina ang mga pinakahuling pahayag ng bagong pamahalaan ng Pilipinas, gaya ng kahandaan nitong panumbalikin, kasama ng Tsina, ang diyalogo hinggil sa isyu ng South China Sea. Umaasa aniya ang panig Tsino, na ipapakita, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, ng bagong pamahalaan ng Pilipinas, ang katapatan sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa, at maayos na kontrolin ang pagkakaiba, para bumalik sa lalong madaling panahon ang relasyong Sino-Pilipino sa landas ng malusog na pag-unlad.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>