|
||||||||
|
||
Sinabi ni Xi, na ang mga isla sa South China Sea ay teritoryo ng Tsina mula noong sinaunang panahon. Aniya, ang soberanya sa teritoryo at mga karapatan at kapakanang pandagat ng Tsina sa South China Sea ay hindi maaapektuhan ng arbitrasyong unilateral na iniharap ng pamahalaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas. Hindi aniya tatanggapin ng Tsina ang anumang paninindigan at aksyon batay sa resulta ng arbitrasyon.
Binigyang-diin ni Xi, na laging pinapangalagaan ng Tsina ang prinsipyo ng "rule of law," pagkakapantay-pantay, at katarungan, at tumatahak ang bansa sa landas ng mapayapang pag-unlad.
Dagdag ni Xi, igigiit ng Tsina ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea. Patuloy aniyang magsisikap ang Tsina, kasama ng mga may direktang kinalamang bansa, para mapayapang lutasin ang hidwaan, batay sa mga katotohanang pangkasaysayan, alinsunod sa pandaigdig na batas, at sa pamamgitan ng talastasan at pagsasanggunian.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |