|
||||||||
|
||
Sa Think Tank Seminar on South China Sea and Regional Cooperation and Development, na idinaos, Lunes, ika-18 ng Hulyo 2016, sa Singapore, ipinahayag ni Zheng Yongnian, Puno ng East Asian Institute, National University of Singapore, na hindi puwedeng malutas ang isyu ng South China Sea sa paraang legal, dapat bumalik ang iba't ibang panig sa talastasan.
Aniya, sa katunayan, ang isyu ng South China Sea ay hindi isang isyu ng batas. Kung walang komong mithiing pulitikal ang mga panig na sangkot sa hidwaan, hindi maaaring malutas ang isyung ito.
Binigyan-diin ni Zheng na ilang bansa ang umaasa sa pangangalagang panseguridad ng Amerika, pero, walang halimbawa na sinimulan ng Amerika ang sagupaan dahil sa interes ng ibang bansa. Kaya, walang posibilidad ang pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Tsina at Amerika.
Nanawagan si Cheng na huwag umasa ang Pilipinas sa Amerika, sa halip, dapat tahakin nito ang sariling landas.
salin:wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |