Isinapubliko nitong Lunes, Hulyo 18, 2016, sa Beijing ni Shen Jinke, Tagapagsalita ng Hukbong Panghimpapawid ng Tsina na ipinadala kamakailan ng Tsina ang eroplanong panagupa tungo sa South China Sea, para sa regular combat patrol sa nasabing karagatang malapit sa mga islang kinabibilangan ng Huangyan Island.
Ipinahayag ni Shen na bilang isang bahagi ng combat training sa karagatan, ito ay para palakasin ang kakayahan ng sandatahang lakas ng Tsina sa harap ng ibat-ibang bantang panseguridad, para sa pangangalaga sa soberanya at seguridad ng estado.