|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon, Lunes, ika-25 ng Hulyo 2016, sa Vientiane, Laos, ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na nitong 25 taong nakalipas sapul nang itatag ang dialogue relations ng Tsina at ASEAN, mabunga ang kooperasyon ng dalawang panig. Dapat aniyang lagumin ng dalawang panig ang karanasan, para magbigay ng bagong lakas sa kanilang relasyon.
Sinabi rin niyang patuloy na ipapauna ng Tsina ang diplomasya sa ASEAN, kakatigan ang konstruksyon ng ASEAN Community, at kakatigan ang nukleong posisyon ng ASEAN sa kooperasyong panrehiyon. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng ASEAN, na ibayo pang pasaganain at palalimin ang kanilang relasyon, para itatag ang mas mahigpit na komunidad ng kapalaran ng Tsina at ASEAN.
Sa kani-kanila namang talumpati, positibo ang mga ministrong panlabas ng mga bansang ASEAN sa malaking bungang natamo ng ASEAN at Tsina nitong 25 taong nakalipas. Anila, ang Tsina ay matalik na kaibigan at mahalagang estratehikong katuwang ng ASEAN, at dapat ibayo pang pasulungin ang relasyon ng dalawang panig.
Kaugnay ng magkasanib na pahayag hinggil sa komprehensibo at mabisang pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) na ipinalabas sa pulong, ipinahayag din ng mga ministrong panlabas ng mga bansang ASEAN ang pagtanggap. Dagdag nila, mahalaga ito para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at dapat mapayapang lutasin ng mga may kinalamang bansa ang pagkakaiba, sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |