Noong Martes, ika-26 ng Hulyo, sa kauna-unahang pagkakataon, makikita na ng publiko ang twin brother giant panda na isinilang noong isang buwan sa Macao Giant Panda Pavilion.
Ayon sa care team, nananatiling maganda ang kalusugan ng dalawang baby panda, at nasa labas sila ng incubators ngayon. Pawang bumibigat din sila mula 135 at 53.8 grams umabot na sa mahigit 1000 at 700 grams ang timbang nila. Nang isilang, umabot sa 53.8 gram lamang ang bigat ng little panda brother, at ayon sa dalubhasa, maliit ang tsansa na mabuhay ang panda cub na hindi lalampas sa 54 grams ang bigat, kaya, patuloy na isinasagawa ng care team ang 24 hour na obserbasyon at pag-aalaga sa kanya.
Inaasahang bubuksan ng mga cub ang kanilang mga mata, at mayroon na rin silang primary teeth, sinimulang gumapang at gumagawa na ng ingay, sa ngayon, kasama nila ang nanay na si Xinxin at pagkaraan ng isa o dalawang taon, mamumuhay na sila ng sarili.
Noong ika-26 ng Hunyo, isinilang ng babaeng panda na si Xinxin ang isang pares na lalaking twin cub. Sina Xinxin at Kaikai ay pinili mula sa Chengdu Research Base of Giant Panda Breeding sa probinsyang Sichuan sa dakong Timog Kanluran ng Tsina bilang isang regalo ng pamahalaang sentral sa Macao Special Administrative Region.