|
||||||||
|
||
Ipininid ngayong araw, Biyernes, ika-29 ng Hulyo 2016, sa Shanghai, Tsina, ang Summit ng mga Kabataan ng G20, na tinatawag ding Y20 Summit.
Ang tema ng summit ay "Youth Innovation for Our Shared Vision." Sa loob ng tatlong araw, tinalakay ng mahigit 100 kabataan mula sa mga kasaping bansa ng G20, panauhing bansa, at organisasyong pandaigdig, ang mga paksa hinggil sa pagbabawas ng kahirapan, komong pag-unlad, inobasyon sa pagsisimula ng negosyo, katarungan at pagkakapantay-pantay na panlipunan, pamamaraan ng pamumuhay na mabuti sa kapaligiran, sustenableng pag-unlad, at pandaigdig na pangangasiwa sa kabuhayan.
Pinagtibay din sa summit ang komunike, kung saan inilakip ang palagay ng mga kabataan sa naturang mga paksa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |