Magkahiwalay na nakipagtagpo kahapon, Biyernes, ika-29 ng Hulyo 2016, sa Nay Pyi Taw, si Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar, sa mga mataas na kinatawan ng United Wa State Army at Mongla Army. Sila ang dalawang armadong grupo ng etnikong minorya na hindi pa lumalahok sa pambansang kasunduan sa tigil-putukan ng Myanmar.
Sa mga pagtatagpo, kapwa ipinahayag ng naturang dalawang armadong grupo ang pagtanggap at pagkatig sa 21st Century Panglong Conference hinggil sa pambansang rekonsilyasyon, na idaraos sa pagtataguyod ng pamahalaan ng Myanmar. Pero, hindi nila tiniyak ang paglahok o hindi sa pulong na ito.
Salin: Liu Kai