Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-29 ng Hulyo 2016, ni Darren Chester, Ministro ng Imprastruktura at Komunikasyon ng Australia, na sa pamamagitan ng pagsusuri, may malaking posibilidad, na ang piraso ng eroplano na natuklasan noong isang buwan sa baybayin ng Pemba Island ng Tanzania ay galing sa Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Sinabi ni Chester, na ginawa ng Australian Transport Safety Bureau ang naturang konklusyon, pagkatapos ng lubos na pagsusuri. Aniya, ibayo pang susuriin ng mga dalubhasa ang naturang piraso, para makuha ang mas maraming impormasyon.
Sa simula ng taong ito, ilang piraso ng eroplano na kumpirmadong galing sa MH370 ang natuklasan sa mga lugar sa baybayin ng timog Aprika, na gaya ng Reunion Island, Timog Aprika, at Mauritius.
Salin: Liu Kai