|
||||||||
|
||
Binuksan kahapon, Biyernes, ika-29 ng Hulyo 2016, sa Beijing ang pulong ng mga koordinador hinggil sa pagpapatupad ng mga bunga ng Johannesburg Summit ng Forum on China-Africa Cooperation. Sinuri sa pulong ang kalagayan ng pagpapatupad ng sampung planong pangkooperasyon ng Tsina at Aprika, na iniharap ni Pangulong Xi Jinping sa naturang summit.
Lumahok sa pulong na ito sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado, at Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina. Ipinadala naman ng 53 kasapi ng Forum on China-Africa Cooperation ang mahigit 100 ministro sa pulong.
Ipinadala rin ni Pangulong Xi ang mensaheng pambati sa pulong. Positibo siya sa natamong bunga ng kooperasyong Sino-Aprikano, at inulit ang pagpapahalaga ng Tsina sa pagpapaunlad ng relasyon sa Aprika.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |