|
||||||||
|
||
Ipinalalagay ni Jones, na ang pagtanggap ng T.Korea sa THAAD ay reaksyon sa mga nuclear test ng Hilagang Korea, at dahil din sa presyur ng Amerika. Pero ayon kay Jones, sinabi di-umano ng mga dalubhasa sa sandata ng Amerika, na hindi talagang epektibo ang THAAD para sa pagtatanggol sa T.Korea laban sa missile attack ng H.Korea. Sa kabilang dako, ipinalalagay niyang ito ay magreresulta sa mas radikal na aksyon ng H.Korea.
Ipinahayag din ni Jones, na ang layo ng deteksyon ng radar ng THAAD ay makakaabot sa 2 libong kilometro, at pagkaraang ideploy ang THAAD sa T.Korea, sasaklaw ito sa Tsina at Rusya. Kaya ani Jones, natural ang kawalang-kasiyahan at pagtutol ng Tsina at Rusya hinggil dito. Dagdag pa niya, dapat isaalang-alang ng Amerika ang mga negatibong epekto sa katatagan at kapayapaan ng Korean Peninsula at buong Asya-Pasipiko, na idudulot ng pagde-deploy ng THAAD sa T.Korea.
Pagdating naman sa kung bakit binigyang-presyur ng Amerika ang T.Korea sa pagde-deploy ng THAAD, ipinalalagay ni Jones, na ito ay may kinalaman sa estratehiya ng Amerika sa Asya. Aniya, ipinalalagay ng Amerika na ito lang ang tanging nagtatakda ng mga tuntunin sa Asya, at ostilo ito sa mga bagong-sibol na puwersa sa rehiyong ito, na gaya ng Tsina at Indya. Sinabi ni Jones, na dapat baguhin ng Amerika ang palagay na ito, pero inamin din niyang mahirap baguhin ang nasabing patakaran.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |