|
||||||||
|
||
ILULUNSAD ng International Labour Organization ang kanilang bagong proyektong pinangalanang sa Fair Recruitment in the Philippines.
Layunin ng proyektong magkaroon ng patas na kalakaran sa pangangalap ng mga manggagawang dadalhin sa ibang bansa na mayroong sapat na impormasyon at sevices. Kailangang magkroon ng sapat na kaalaman sa pandaigdigan at pambansang mga usapin sa recruitment at pakikiisa sa mga mamamahayag.
Ayon kay Director Khalid Hassan, ang bagong talagang pinuno ng ILO sa Pilipinas, nararapat lamang na mangibang-bansa ang mga mamamayan ayon sa kanilang desisyon at hindi dala ng mahigpit na pangangailangan. Ang pagkakaroon ng patas na kalakaran sa recruitment ay mahalaga upang maipagtanggol ang mga manggagawang nangingibang-bansa.
Ang proyekto ay bahagi ng pandaigdigang kalakaran ng na nagaganap din sa Nepal, Jordan at Tunisia at tinutustusan ng Swiss Agency for Development and Cooperation.
Sa buong daigdig ay mayroong 232 milyong nangibang-bansang manggagawa at 740 milyong internal migrants na naghahanap ng mapagkakakitaang gawain at mas magandang kinabukasan.
Nakatakdang magsalita si Labor Secretary Silvestre Bello. Panauhin din si Bb. Tomoko Nishimoto, ang ILO Assistant Director General at Regional Director para sa Asia at Pacific. Ito na rin ang pormal na pagsalubong kay Director Khalid Hassan bilang bagong director ng ILO Country office sa Pilipinas.
Idaraos ito sa Astoria Plaza sa Ortigas Center.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |