|
||||||||
|
||
NAKATAKDANG suriin ang mahahalagang isyung may kinalaman sa kahilingan ng pamahalaang magkaroon ng sistemal pederal upang higit umanong umunlad ang mga rehiyon sa bansa.
Pamumunuan ni dating Senate President Aquilino Q. Pimentel Jr. ang mga panauhin sa idaraos na public affairs forum na pinamagatang Wednesday Roundtable @ Lido sa Mindanao Avenue, Quezon City.
Makakasama niya sa talakayan sina Dr. Prospero E. De Vera, ang Vice President for Public Affairs ng University of the Philippines at Dr. Pancho Lara, ang country manager ng Alert International.
Kontrobersyal ang paksa sapagkat sinabi ng mga dalubhasang tatatlong rehiyon lamang ang makikinabang sa ilalim ng pederalismo, tulad ng National Capital Region, CALABARZON at Central Luzon, na katatagpuan ng pinakamaraming mamamayan at bahay-kalakal.
Isang kontrobersya pa sa pederalismo ay kung magkakaroon ng mga bagong mga pinuno sa mga rehiyon o patuloy na maghahari ang mga angkan ng mga politikong sinasabing dahilan ng kahirapan ng mga mamamayan.
Magsisimula ang talakayan sa ganap na ika-siyam ng umaga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |