Ipinalabas kahapon, Martes, Agosto Dos 2016, ng Supreme People's Court (SPC) ng Tsina, ang regulasyon ng paliwanag na hudisyal hinggil sa paglilitis sa mga kaso sa jurisdictional seas ng Tsina.
Ayon sa regulasyon, ang jurisdictional seas ay tumutukoy sa inland waters, territorial seas, contiguous zones, exclusive economic zones at continental shelves. Paparusahan, alinsunod sa Criminal Law ng Tsina, ang mga mamamayang Tsino at dayuhan, kung isasagawa nila ang ilegal na pangingisda, o papatayin ang mga nanganganib na uri ng hayop sa jurisdictional seas ng Tsina.
Ayon sa pahayag ng SPC, ang pagpapalabas ng naturang regulasyon ay naglalayong ipaliwanag ang hurisdiksyon ng mga hukumang Tsino sa jurisdictional seas ng bansa. Ito ay batay sa mga batas ng Tsina at United Nations Convention on the Law of the Sea.
Salin: Liu Kai