Pormal na inilunsad ngayong araw, Miyerkules, Agosto 3 2016, ang isang website ng Tsina hinggil sa South China Sea. Ang domain name nito ay www.thesouthchinasea.org.
Mababasa sa website na ito ang mga materyal na pangkasaysayan at dokumentong pambatas hinggil sa South China Sea. Kabilang dito, makikita ang mga sinaunang mapa ng Xisha Islands at Huangyan Islands na kauna-unahang isinapubliko. Ilalabas din sa website ang mga update hinggil sa pinakahuling kalagayan ng South China Sea.
Sa kasalukuyan, mayroon lamang Chinese version ang website na ito. Bago magtapos ang taong ito, ilulunsad ang English version nito.
Salin: Liu Kai