|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN, na pagkaraang itatag ang ASEAN Economic Community noong katapusan ng nagdaang taon, ibayo pang lumalakas ang kakayahang kompetetibo ng ASEAN, at humihigpit ang pakikipag-ugnayang pangkabuhayan sa ibang rehiyon. Sa gayo'y aniya, ang ASEAN ay nagiging isang pangunahing destinasyon ng pamumuhunan ng daigdig.
Nanawagan siya sa mga kalahok na ministro, na aktibong talakayin ang mga mekanismo at hakbangin hinggil sa pagpapatupad ng ASEAN Community Vision 2025.
Sa loob ng darating na 4 na araw, bukod sa nabanggit na pulong, idaraos din ang Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan ng ASEAN at Tsina, Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan ng ASEAN, Tsina, Hapon, at Timog Korea, at Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan ng East Asia Summit.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |