Sa panahon ng Ika-9 na China-ASEAN Education Cooperation Week, idinaos nitong ilang araw na nakalipas, sa Guiyang, Tsina, ang mga aktibidad ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations sa aspekto ng edukasyon, na gaya ng porum ng mga presidente ng mga engineering university ng Tsina at ASEAN, dialogue meeting ng Tsina at ASEAN hinggil sa kooperasyon sa edukasyong bokasyonal, porum hinggil sa edukasyon sa traditional medicine at kalusugan, porum hinggil sa kooperasyon ng mga presidente ng mga pamantasan ng Tsina at ASEAN, at iba pa.
Kalahok sa naturang mga aktibidad ang mga may kinalamang personahe mula sa Tsina, mga bansang ASEAN, sekretaryat ng ASEAN, at mga may kinalamang organisasyong panrehiyon at pandaigdig. Tinalakay ng mga kalahok ang mga konkretong paksa na may kinalaman sa isyu, para pasulungin ang kooperasyong Sino-ASEAN sa iba't ibang aspekto ng edukasyon.
Salin: Liu Kai