|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon, Huwebes, ika-4 ng Agosto 2016, sa Vientiane, Laos, ang Ika-15 Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sa kanyang talumpati sa pulong, tinukoy ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na nitong 25 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong pandiyalogo ng Tsina at ASEAN, mabunga ang kooperasyon ng dalawang panig sa kalakalan, pamumuhunan, at iba't ibang industriya, na gaya ng agrikultura, panggugubat, pangingisda, pagmimina, manupaktura, konstruksyon, serbisyo, turismo, at iba pa.
Iminungkahi ni Gao na palalimin ng Tsina at ASEAN ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa ilang aspekto. Halimbawa aniya, dapat palalimin ang kooperasyon sa Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "Belt and Road" Initiative, palakasin ang kooperasyon sa industrial capacity, at pasulungin ang talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP). Dagdag niya, kakatigan ng Tsina ang konstruksyon ng ASEAN Community, at aktibong lalahok sa proseso ng integrasyon ng ASEAN.
Pinagtibay din sa pulong ang magkasanib na pahayag ng Tsina at ASEAN hinggil sa kooperasyon sa industrial capacity. Isusumite ito sa China-ASEAN Summit na idaraos sa susunod na buwan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |