Ipinahayag kahapon, Huwebes, ika-4 ng Agosto 2016, ni Rini Soemarno, Ministro ng mga Bahay-kalakal na Ari ng Estado ng Indonesya, na pabibilisin ang konstruksyon ng Jakarta-Bandung High-Speed Railway, na gaya ng paglalatag ng mga riles, pagtatayo ng mga istasyon, at iba pa.
Sinabi ni Soemarno, na may pag-asang pormal na sisimulan sa kalagitnaan ng buwang ito ang konstruksyon ng naturang daambakal, pagkaraang ilabas ng Ministri ng Komunikasyon ng Indonesya ang construction permit, at tapusin ang pangangalap ng pondo.
Isiniwalat niyang sa pamamagitan ng naturang proyekto, ililipat ng Tsina sa Indonesya ang ilang teknolohiya ng high-speed railway. Sa gayo'y aniya, may pag-asang ang Indonesya ay magiging tagapagkaloob ng serbisyo ng konstruksyon ng high-speed railway sa rehiyon ng Timog-silangang Asya.
Salin: Liu Kai