|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Wang, na mahalaga ang naturang pagtatagpo ng mga pangulong Tsino at Amerikano. Ani Wang, ang pagtatatag ng bagong relasyon ng malalaking bansa ay tumpak na direksyon ng relasyong Sino-Amerikano. Dapat aniya itampok ng dalawang bansa ang kooperasyon, at kontrolin ang pagkakaiba, para matamo ng naturang pagtatagpo ang positibong bunga.
Kaugnay ng G20 Hangzhou Summit, ipinahayag ni Wang ang kahandaan ng Tsina, na magsikap, kasama ng iba't ibang panig na kinabibilangan ng Amerika, para bigyan ng bagong sigla ang malakas, balanse, at sustenableng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, at ipakita sa komunidad ng daigdig ang positibong signal hinggil sa kooperasyon at koordinasyon ng G20.
Sinang-ayunan ni Kerry na mahalaga ang gagawing pagtatagpo ng mga lider ng Amerika at Tsina sa Hangzhou. Nakahanda aniya ang Amerika, na magsikap, kasama ng Tsina, para igarantiya ang tagumpay ng naturang pagtatagpo, pati rin ng G20 Hangzhou Summit.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |