|
||||||||
|
||
Binigyang-diin ng mga kalahok ang kahalagahan ng pagpapasulong ng talastasan hinggil sa RCEP. Iniharap nila ang mga konkretong mungkahi hinggil sa pagpapasulong ng talastasan, lalung-lalo na sa ilang nukleong aspektong gaya ng paninda, serbisyo, at pamumuhunan.
Sinabi rin ng mga kalahok, na may nakatagong lakas ang RCEP sa pagpapabuti ng prospek ng kabuhayan ng mga kasaping bansa, pagpapataas ng lebel ng pamumuhay ng kani-kanilang mga mamamayan, pagpapasulong ng rehiyonal na integrasyong pangkabuhayan, at pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Inulit nila ang pangakong tapusin sa lalong madaling panahon ang talastasan, at marating ang de-kalidad na kasunduan sa malayang kalakalang panrehiyon, na may mutuwal na kapakinabangan at kahalagahang komersyal.
Hanggang sa kasalukuyan, isinagawa ang 13 round ng talastasan hinggil sa RCEP. Idaraos ang ika-14 na round ng talastasan sa kalagitnaan ng buwang ito, at ika-15 round sa darating na Oktubre ng taong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |