Tinuligsa kahapon, Biyernes, ika-5 ng Agosto 2016, ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina ang pagkakaila ni Tomomi Inada, bagong Ministro ng Depensa ng Hapon, sa pagsasagawa ng tropang Hapones ng "paligsahan ng pagpatay ng tao" sa panahon ng pamamaslang sa Nanjing noong World War II. Binigyang-diin ng panig Tsino, na ang pagkakaila ng panig Hapones sa kasaysayan ay makakaapekto sa prospek ng relasyong Sino-Hapones.
Ipinahayag ng naturang ministring Tsino, na napapatunayan ng maraming ebidensiya ang pagsasagawa ng tropang Hapones ng Nanjing Massacre, at paligsahan ng pagpatay ng tao, at ito ay di-mapagdududahan. Anito pa, ang pagkakaila ng ministro ng depensa ng Hapon sa mga katotohanang ito ay naglalayong pagandahin ang kasaysayan ng pananalakay, hamunin ang kaayusang pandaigdig, at muling pasiglahin ang militarismo.
Salin: Liu Kai