Ipinahayag kamakailan ni Susi Pudjiastuti, Ministro ng Suliraning Pandagat at Pangingisda ng Indonesya, na ayon sa bagong lagdang ika-44 na kautusang pampanguluhan ng Indonesya, paiiralin ang pagbabawal sa pamumuhunang dayuhan sa industriya ng pangingisda ng bansang ito.
Binigyang-diin ni Pudjiastuti, na ayon sa kautusan ni Pangulong Joko Widodo, ang karagatan ng Indonesya ay pinagmumulan ng pamumuhay ng mga mamamayan nito, at hindi dapat mangisda sa karagatan ng bansa ang mga dayuhang bapor. Pero, ipinahayag ni Pudjiastuti, na tinatanggap ng Indonesya ang pamumuhunan ng pondong dayuhan sa industriya ng pagpoproseso ng isda at ibang produktong akwatiko ng bansa.
Salin: Liu Kai