Tinukoy kamakailan ni Ahmad Zahid Hamidi, Ministro ng Suliraning Panloob ng Malaysia, na mahigpit ang kalagayan ng paglaban sa terorismo ng bansang ito. May balak aniya ang Islamic State (IS) na muling ilunsad ang atake sa Malaysia.
Ipinahayag ni Zahid, na ipinawalang-bisa na ng Kawanihan ng Mandarayuhan ang passport ng 68 mamamayang Malay na kalahok sa IS. Aniya, kung babalik sila sa bansa, dadakpin sila.
Isiniwalat din ni Zahid, na sa kasalukuyan, may hawak ng 8 bomba ang mga armadong tauhan ng IS sa loob ng Indonesya. Pinalakas na aniya ng mga may kinalamang awtoridad ang hakbangin laban sa kalagayang ito.
Salin: Liu Kai