|
||||||||
|
||
Ipinatalastas ngayong araw, Martes, ika-9 ng Agosto 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa loob ng linggong ito, dadalaw sa Indya si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.
Ayon kay Hua, sa pagdalaw na ito, makipagpalitan ng palagay si Wang sa panig Indyano, pangunahin na, hinggil sa G20 Summit na idaraos sa Tsina, at Summit ng BRIC Countries o Brazil, Rusya, Indya, at Tsina, na idaraos sa Indya. Ito aniya ay para pasulungin ang pagtamo ng tagumpay ng dalawang pulong na ito.
Idaraos sa Hangzhou, Tsina, ang ika-10 G20 Summit sa darating na Setyembre. Idaraos naman sa Goa, Indya, ang ika-8 Summit ng BRIC Countries sa darating na Oktubre.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |