Ayon sa Xinhua News Agency, tungkol sa tanong ng mga mamamahayag hinggil sa pakikipag-ugnayan ni Fidel V. Ramos (FVR), espesyal na sugo ng Pangulong Pilipino at dating Pangulo ng bansa, sa panig Tsino sa Hong Kong, sinabi Miyerkules, Agosto 10, 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina at Pilipinas ay tradisyonal na mapagkaibigang kapitbansa. Dapat aniyang magkasamang magsikap ang dalawang bansa para mapabuti ang bilateral na relasyon, mapanumbalik ang diyalogo at pagtutulungan, at mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino.
Ani Hua, ang pribadong pagdalaw ni FVR sa Hong Kong ay upang makipagpalitan sa kanyang mga kaibigang Tsino. Dagdag pa niya, nananatiling bukas ang atityud ng panig Tsino sa pag-uugnayan ng dalawang bansa sa iba't-ibang porma, at winiwelkam ang pagbisita ni FVR sa Tsina sa ngalan ng espesyal na sugo sa lalong madaling panahon.
Salin: Li Feng