|
||||||||
|
||
File photo ng haze sa Malaysia
Idinaos kahapon, Huwebes, ika-11 ng Agosto, sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang ika-12 pulong ng ASEAN Agreement on Transboundary Haze Pollution. Pinagtibay sa pulong ang Haze Free 2020 Roadmap, bilang estratehikong balangkas para sa kooperasyon ng iba't ibang bansang ASEAN sa pagkontrol sa transnasyonal na polusyon ng haze.
Inulit din ng mga kalahok na ministro ng kapaligiran ng mga bansang ASEAN ang determinasyon sa lubos na pagpapatupad ng nabanggit na kasunduan. Ipinangako nilang ibayo pang kontrolin ang transnasyonal na polusyon ng haze, sa pamamagitan ng sariling pagsisikap, at kooperasyon sa pagitan ng mga bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |