Binaba kahapon, Huwebes, ika-11 ng Agosto, ng Ministri ng Kalakalan at Industriya ng Singapore, ang pagtaya sa paglaki ng kabuhayan ng bansa sa taong ito sa 1% hanggang 2%. Nauna rito, ang pagtaya ay 1% hanggang 3%.
Ayon sa naturang ministri, ito ay, pangunahin na, dahil sa mabagal na paglaki ng kabuhayang pandaigdig, at mga elemento ng kawalang-katatagang dulot ng pag-alis ng Britanya sa Unyong Europeo, at iba pa. Anito pa, kumpara sa paglaki ng kabuhayan ng Singapore noong unang kuwarter, bumagal ang paglaki noong ikalawang kuwarter.
Salin: Liu Kai