|
||||||||
|
||
Kinatagpo kamakalawa, Huwebes, ika-11 ng Agosto 2016, sa Nay Pyi Taw, Myanmar, si Song Tao, dumadalaw na Ministro ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, ni Aung San Suu Kyi, State Counselor at Ministrong Panlabas ng Myanmar.
Sinabi ni Song, na malalim ang pagkakaibigan ng Tsina at Myanmar, at ang pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa ay angkop sa kanilang saligang interes. Nakahanda aniya ang Tsina na magbigay-tulong sa kaunlaran at katatagan ng Myanmar.
Sinabi naman ni Aung San Suu Kyi, na lubos na pinahahalagahan ng Myanmar ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina. Umaasa aniya siyang dumalaw sa Tsina sa malapit na hinaharap, para ibayo pang pataasin ang lebel ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |