|
||||||||
|
||
HINDI katanggap-tanggap at angkop ang mga ginawang pahayag kay US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg, isa sa pinakamagaling na opisyal ng US Department of State.
Sa isang pahayag mula sa Embahada ng Estados Unidos sa Maynila, binanggit ang pahayag ni Elizabeth Trudeau, Director ng Office of Press Relations sa US Department of State na inanyayahan ang Philippine Chargé upang iparating ng Estados Unidos ang kanilang paninindigan sa hindi angkop at katanggap-tanggap na pahayag kamakailan.
Niliwanag din ng Embahada na ang US$ 32 milyon ay hindi bagong salapi bagkos ay pinagsama-samang salaping inilaan sa mga proyektong ipinatutupad ngayon. Ang tulong mula sa mga pondong ito ay sinusuri tulad ng mga naunang security assistance.
Isinusulong ng security assistance ang human rights sa pamamagitan ng pagsasanay ng kinauukulan sa paggalang sa batas. Ang pakikiisa ng America sa Pilipinas ay ayon sa paggalang sa batas at ipagpapatuloy ang pagpapahalaga sa tinaguriang fundamental democratic principle.
Nababahala ang Estados Unidos sa extrajudicial killings ng mga taong pinaghihinalaang sangkot sa ilegal na droga sa bansa. Nananawagan ang Embahada sa mga alagad ng batas na pahalagahan ang mga itinatadhanang batas na gumagalang sa Karapatang Pangtao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |