|
||||||||
|
||
TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte si Japanese Foreign Minister Fumio Kishida kahapon sa Presidential Guest House sa Davao City. Siya ang unang foreign minister na dumalaw sa Davao.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, sinabi ni G. Duterte na ngayong 2016 ang ika-60 taong anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa samantalang nagpasalamat sa patuloy na pagsuporta sa mga programa ng Pilipinas.
Malaki rin ang nagawa ng Japan sa larangan ng ekonomiya sa pamamagitan ng development assistance at investments sa nakalipas na mga taon. Nakatulong ang mga Hapon sa pagpapayabong ng industriya ng abaca (Manila hemp) sa Davao, dagdag pa ni G. Duterte.
Magkakaroon ng sampung sasakyang-dagat para sa Philippine Coast Guard mula sa Japan. Nakaharap din niya sa Secretary for Foreign Affairs Perfecto R. Yasay, Jr. at nagkaroon ng joint press conference sa Marco Polo Hotel. Nagpasalamat din si G. Yasay sa Japan sa ambag nito sa mga pagawaing-bayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |