|
||||||||
|
||
PAG-UUSAPAN ang maiinit na paksa sa darating na Lunes, ika-15 ng Agosto sa "Tapatan sa Aristocrat" dahil may mga katagang nabanggit hinggil sa posibilidad na magdeklara ng batas militar sa Pilipinas dahil sa tindi at lawak ng problemang dulot ng droga sa bansa.
Pag-uusapan rin ang mga pinagdududahang sagupaan sa pagitan ng mga alagad ng batas at mga taong sangkot sa iligal na droga at ang kalakarang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng mga pangalan ng mga taong sinasabing nasa likod ng karumaldumal na drug trade.
Magiging panauhin sina Secretary Salvador Panelo, ang presidential legal counsel ni Pangulong Duterte at Secretary Ernesto Abella, ang kanyang opisyal na taga-pagsalita.
Dadalo rin si Atty. Rosario Setias-Reyes, ang pangulo ng 52,000 mga abogado sa bansa, ang Integrated Bar of the Philippines na pumanig kay Chief Justice Lourdes Sereno sa pagsasabing huwag susuko ang mga hukom na pinangalanan ni G. Duterte ng walang warrant of arrest.
Dadalo rin si Congressman Harry Roque, isang human rights lawyer na ngayo'y isa nang mambabatas mula sa Kabayan party list.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |