Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pagsabog sa katimugan ng Thailand, posibleng may kinalaman sa referendum

(GMT+08:00) 2016-08-13 16:14:20       CRI
Ayon sa ulat kahapon, Biyernes, ika-12 ng Agosto 2016, ng kapulisan ng Thailand, ang sunud-sunod na bombing attacks na naganap kamakailan sa katimugan ng bansa ay posibleng may kinalaman sa referendum na nagpasa sa bagong Konstitusyon, dahil ang mga lalawigang pinangyarihan ng insidente ay pawang nagsulong sa bagong Konstitusyon.

Ayon pa rin sa kapulisan, ang naturang mga pag-atake ay kontra-gobyerno, at ang target ng mga ito ay pagdungis sa imahe ng Thailand, at pananabotahe sa turismo ng bansa.

Sa isang may kinalamang ulat, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinahayag kahapon ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations ang pagkondena sa mga pagsabog sa katimugan ng Thailand.

Nagpahayag si Ban ng pakikiramay sa pamahalaan at mga mamamayan ng Thailand. Umaasa aniya siyang mapapasakamay ng kinauukulan sa lalong madaling panahon ang mga maykagagawan ng mga insidenteng ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>