|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag ng panig pulisya ng Malaysia, 1,444 na kriminal ang dinakip sa unang 6 na araw, sapul nang magsimula ang pambansang kampanya laban sa karahasan noong Agosto 6, 2016.
Napag-alamang ang nasabing pambansang kampanya na tinaguriang "Op Cantas Khas 2" ay ikalawang katulad na operasyon ng kapulisang Malay para mapababa ang bilang ng mga marahas na krimen at pamamaril.
Ang unang ganitong operasyon ay ginanap noong 2013 at tumagal nang 96 na araw.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |