IPINAGPASALAMAT ni Senador Grace Poe ang pagpaparating ng pormal na sumbong laban sa limang commander at mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Freedom Fighters (BFF) at private armed grous (PAGs) sa pagkasawi ng 44 na opisyal at tauhan ng Special Action Force sa isang counterterrorism operation sa Mamasapano, Maguindanao.
Sinabi ni Senador Poe na ang pagpaparating ng usapin ay unang hakbang tungo sa katarungan para sa mga pinaslang samantalang nasa lehitimong operasyon.
Ang pagsusumbong laban sa mga akusado ay kabilang sa rekomendasyon ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs. Si Senador Poe ang namuno sa komite noong nakalipas na taon.
Ulat: Melo