|
||||||||
|
||
Gagawin ang oral argument sa Miyerkoles, ika-24 ng Agosto. Inatasan din ng Korte Suprema ang militar, sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at mga tagapagmana ni G. Marcos na dumalo. Pinalabas ang kautusan kasunod ng petisyon ng mga biktima ng Batas Militar noong namuno sa bansa ang yumaong diktador.
Hinihiling ng mga nagpetisyon na pawalang saysay ang kautusan noong ika-pito ng Agosto na pinalabas ni Secretary Lorenzana na nag-utos sa kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Ricardo R. Visaya na simulan ang paghahanda sa paglilibingan kay G. Marcos.
Kabilang sa mga nagpetisyon sina dating Congressman Satur Ocampo at Neri Colmenares, Trinidad Repuno, Bienvenido Lumbera, Bonifacio Ilagan, Maria Carolina Araulo, Samahan ng Ex-Detainees laban sa Detensyon at Aresto (SELDA).
Ulat:Melo
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |