|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag ng Western Mindanao Command, nabawi ng 4th Special Forces battalion ang dalawang improvised explosives device. Nabatid na mayroong sampung bunker na maaaring tulugan ng pito katao bawat isa, apat na tunnel na mapagtataguan ng 20 katao at ilang foxhole na malalagyan ng walo katao at isang lutuan.
Pangangailangan sa mga manggagawang Filipino, patuloy na lumalago
SA likod ng nababalitang mga kaguluhan at mabuway na ekonomiya sa iba't ibang bahagi ng daigdig, patuloy na tumataas ang pangangailangan ng mga manggagawang Filipino.
Ito ang sinabi ni Philippine Overseas Employment Administrator Hans Leo Cacdac sa isang panayam. Hindi umano bumababa ang pangangailangan sa mga manggagawa na nakikita ito sa paglago ng may 1.832% noong 2014 at 1.876% noong nakalipas na taon.
Ani Administrator Cacdac, nurses ang kailangan sa iba't ibang bahagi ng daigdig lalo pa't mayroong pagtutuon ng pansin ng United Nations sa kanilang Sustainable Development Goals na pinangalanang Universal Health Care. Mangangailangan ng narses sa first hanggang third world countries, dagdag pa ni G. Cacdac.
Bagama't mayroong pagbagal ng ekonomiya sa Middle East dahil sa mababang presyo ng petrolyo, nangangailangan pa rin ang mga bansa doon ng mga enhinyero at mga welder.
Sa Middle East pa rin makikita ang mga manggagang Filipino na nasa turismo, sa mga hotel, restaurant at fast food outlets. Marami ring mga Filipinong kawani sa mga paliparan.
Nababahala rin ang POEA sa mga nagaganap sa larangan ng politika at seguridad kaya't nagbabantay sila sa mga nagaganap sa iba't ibang bansa. Sa likod ng mga 'di pagkakasundo ng iba't ibang pamahalaan, tulad ng matabang na relasyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran, nananatiling matatag ang seguridad.
Ipinaliwanag din ni G. Cacdac na sa Libya na saklaw pa rin ng Alert Level 4, obligasyon ng pamahalaang pauwiin ang mga manggagawa upang huwag malantad sa kapahamakan. Hindi rin sila nagpoproseso ng mga kontrata tungo sa mga bansang may problema sa seguridad, dagdag pa ni G. Cacdac.
Ulat:Melo
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |