|
||||||||
|
||
Nagkasundo ang mga punonglungsod ng Metro Manila na ipagbawal ang mga bus mula sa mga lalawigan sapagkat nais ng pamahalaang mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan sa Epifanio Delos Santos Avenue. Mayroon umanong 85 mga kumpanya ng bus na may mga terminal sa Cubao at Balintawak sa Quezon City, sa Earnshaw, Doroteo Jose at Espana sa Maynila, Taft at Buendia Avenues sa Pasay City.
May 3,000 mga bus mula sa mga lalawigan ang dumaraan sa EDSA araw-araw samantalang may 12,000 mga bus sa Metro Manila ang naglilingkod sa may 12 milyong mga mamamayan.
Nakabimbin pa rin sa Korte Suprema ang petisyon ni dating Albay Governor Jose Sarte Salceda na humihiling na pagbawalan ang ehekutibo na huwag papasukin ang mga bus mula sa mga lalawigan sa Metro Manila.
Nabuo umano ang desisyon ng walang konsultasyon sa mga sektor na apektado ng balak. Napapaloob sa G. R. 213786 ang mga argumento ni Governor Salceda sa ngalan ng mga sumasakay na nagdadala ng mga pagkain at kagamitan mula sa mga lalawigan.
Ayon sa Judgment Division ng Korte Suprema, nasa Third Division ang usapin sa ilalim ni Division Chair Associate Justice Presbitero J. Velasco, Jr.
Ulat:melo
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |