|
||||||||
|
||
Sa kanyang talumpati sa porum, sinabi ni Li Zhaoxing, Puno ng China Public Diplomacy Association, na ang Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road o "Belt and Road" Initiative na iniharap ng Tsina ay isang bukas at inklusibong mekanismo, na nagtatampok sa kooperasyon at win-win situation. Umaasa aniya ang Tsina, na sa pamamagitan nito, isasakatuparan ang komong pag-unlad ng mga bansang kalahok sa naturang initiative.
Binigyang-diin naman ni Chen Xiaodong, Embahador ng Tsina sa Singapore, na ang mga bansang ASEAN ay magandang katuwang at priyoridad din ng Tsina sa "Belt and Road" Initiative. Aniya, buong husay na isasagawa ng Tsina at Singapore ang ika-3 proyektong pangkooperasyon ng mga pamahalaan ng dalawang bansa, para maging itong modelo sa magkakasamang pagpapasulong ng Tsina at mga bansang ASEAN ng 21st Century Maritime Silk Road.
Sinabi naman ni Teo Siong Seng, Tagapangulo ng Singgapore Business Federation, na ang ika-3 proyektong pangkooperasyon ng mga pamahalaan ng Singapore at Tsina ay proyekto sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative, at naglalayon itong pasulungin ang pag-uugnayan ng lohistika at industriya, at pagpapalitan ng mga mamamayan. Dagdag niya, kailangang palawakin ang epekto ng "Belt and Road" Initiative sa buong ASEAN, para isakatuparan ang komong kasaganaan ng iba't ibang sirkulo sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |