Nag-usap sa telepono kahapon, Martes, ika-16 ng Agosto 2016, sina Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, at John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa kasalukuyang kalagayan sa Syria.
Tinalakay, pangunahin na, nina Lavrov at Kerry ang malawakang makataong aksyong isinasagawa ng tropa ng pamahalaan ng Syria, sa ilalim ng pagkatig ng Rusya.
Tinalakay din ng dalawang panig ang hinggil sa kung paanong ipapatupad ang kanilang narating na kasunduan sa magkasamang paglaban sa mga ekstrimista sa Syria at pangangalaga sa tigil-putukan sa bansang ito.
Salin: Liu Kai